God is good all the time !!!

Home » Post Item » Kung Gusto May Paraan, Kung Ayaw May Dahilan

Kung Gusto May Paraan, Kung Ayaw May Dahilan

April 27, 2009

Isa ito sa mga kasabihang matagal ko nang pinaniniwalaan. Kapag hindi ka ganung ka desedido sa isang bagay ang dali daling gumawa ng mga dahilan para hindi mo ito gawin o kaya naman ay gagawin lahat para lang magpalusot.

Kapag naman sobrang gusto mo ang isang bagay, kahit na ang bagay na impossible ay nagiging posible. Maaari itong kasabihang ito sa lahat ng aspeto ng buhay: pamilya, eskwela, trabaho, kaibigan at sa ating pakikipag relasyon sa mga tao.

Ang hirap talagang ipilit ang mga bagay sa isang tao na ayaw naman. Kaya minsan mas maganda na hayaan mo na lang ang isang tao sa diskarteng gusto niya kesa pilitin siya na paniwalaan ang mga bagay na pinaniniwalaan mo rin. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong ang hilig mamilit ng iba, eh di kung sila ang may gusto eh di sila ang gumawa di ba?

 

Posted by lifeslessons at 7:55 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.