HAPPY BIRTHDAY *muffin*
April 29, 2009Ayan na, sa sobrang pagka buryong ko sa lecheng telecom company na yan nakalimutan ko pang ilagay dito na ngayon ay birthday ng “veve” ko.
May you always be happy and healthy. You always bring sunshine and happiness to my life and I hope I do the same to you.
Mabait na tao and pasensyoso of course…(kaya tumagal sa akin ng 11 years and still going and going and going …)
Sana sa mga susunod na panahon mas lalo ka pang maging mabait sa akin dahil parang minsan galit ako sa mundo. …
All I can promise you is that I will stick with you no matter what and I always thank the Lord for giving me a wonderful honey, baby and muffin like you. i love you
Tao Lang- Imbyerna yang Sun Cellular na Yan !!!
Sobrang inis ako sa network na yan na akala mo kung sino as in. Pagkatapos kong i- submit lahat ng requirements na gusto nila eh kung anu- ano pa ang gusto. Hindi pa ba sapat ang credit card billings ko na nagpapakita na matagal na kong may credit card at malaki ang credit limit ko? O kaya naman na hindi ako late sa mga binabayaran ko? O baka naman kulang pa sa kanila ang latest ITR na sinubmit ko na nagsasabi na malaki ang sweldo ko? Pakshet sila… akala mo naman sobrang tagal na sa Telecommunications Industry kung makahingi ng requirements eh akala mo naman lahat ng tao eh manloloko…ang OA niyo…malugi sana kayo…
Hindi naman masyadong halata na galit na galit ako. Pano naman sa tagal ng panahon na inalagaan ko ang credit standing ko dahil ayaw ko ng mga ganitong bagay na halos kulang na lang ay tanungin mo ako kung may pera ba ako. I always pay my dues on time tapos kung tratuhin ako ng small time na kumpanyang to eh parang hindi ko sila kayang bilhin. Sige, bigyan niyo ko ng dahilan para hindi ako mapeste sa kumpanyang to
Sana makahanap na ko ng makapagbibigay samin ng unlimited internet access na hindi naman kayabangang kumpanya na akala mo kung sino na nakakamonopolize ng internet service sa Pilipinas.
Sa sobrang pagiging sigurista mas madami ang mapapariwara at hindi magbabayad sa inyong kumpanya


