Thank you for the Blessings
November 23, 2009Marami tayong bagay na dapat ipagpasalamat sa araw- araw… Mula sa simpleng pag gising natin ..hanggang sa matulog uli tayo sa gabi ay 2 pa lang sa mga dahilan ng ating pasasalamat sa ating Diyos.
Thank you for the blessing of good health and a happy family. Isama na nating ang isang damakmak na mga kaibigan na full support sa’yo at laging nasa tabi mo lang.
Salamat po Lord dahil naipasa ng Daddy ko ang kanyang physical and medical exam. Bukod sa healthy na siya ay may work siya na maganda and sahod…yehey….Nawa’y tuloy tuloy ang mga magagandang biyaya na pwedeng i share sa iba.
Salamat dahil alam ko po na sa lahat ng ginagawa ko, kasama ko kayo at lagi niyo kong ginagabayan sa pang araw araw kong buhay…. Kampante ako na nagagawa ko araw- araw ang mga inaasahan niyo sa akin.
Salamat po sa pagmamahal niyo at higit sa lahat…salamat po, dahil sa inyo natuto kaming magmahal.
MAMATAY KA SA INGGIT !!!
November 15, 2009Hindi ba kayo napapa isip minsan kung bakit may mga tao na sa halip na matuwa sa magagandang nangyayari sa buhay ng iba, eh ayun kung anu anong bagay na hindi maganda ang sinasabi tungkol sa kapwa nila? Ang sagot diyan ay of course INGGIT!
Sa halip na magsikap para maabot ang mga pangarap nila eh, inuubos and oras nila na mainggit sa kapwa nila. Kung mas lalo nilang pinagbubutihan ang mga bagay na ginagawa nila, sigurado ako na mas may patutunguhan ito?? Di ba?
Nakakaawa lang ang mga taong ganun dahil nabubuhay sila ng nakatingin na lamang sa iba..sa halip na ipagpasalamat ang bawat biyaya na meron sila at patuloy na magdasal para mas lalo pang gumanda ang kanilang mga buhay.
Minsan naman, gakit na galit sayo eh wala ka namang ginagawa na dapat ikagalit…..
Totoo na madalas ang tao ay walang kakuntentuhan pero hindi naman lahat eh mga inggitero at inggitera.
Kahit sa sarili mo minsan maitatanong mo kung ano ba ang ikinaka inggit sayo ng iba, dahil kung tutuusin ang mga bagay na kinakanggitan ay mga bagay na madaling abutin at makuha kung may sapat na determinasyon at pananalig sa Diyos.


