MAMATAY KA SA INGGIT !!!
November 15, 2009Hindi ba kayo napapa isip minsan kung bakit may mga tao na sa halip na matuwa sa magagandang nangyayari sa buhay ng iba, eh ayun kung anu anong bagay na hindi maganda ang sinasabi tungkol sa kapwa nila? Ang sagot diyan ay of course INGGIT!
Sa halip na magsikap para maabot ang mga pangarap nila eh, inuubos and oras nila na mainggit sa kapwa nila. Kung mas lalo nilang pinagbubutihan ang mga bagay na ginagawa nila, sigurado ako na mas may patutunguhan ito?? Di ba?
Nakakaawa lang ang mga taong ganun dahil nabubuhay sila ng nakatingin na lamang sa iba..sa halip na ipagpasalamat ang bawat biyaya na meron sila at patuloy na magdasal para mas lalo pang gumanda ang kanilang mga buhay.
Minsan naman, gakit na galit sayo eh wala ka namang ginagawa na dapat ikagalit…..
Totoo na madalas ang tao ay walang kakuntentuhan pero hindi naman lahat eh mga inggitero at inggitera.
Kahit sa sarili mo minsan maitatanong mo kung ano ba ang ikinaka inggit sayo ng iba, dahil kung tutuusin ang mga bagay na kinakanggitan ay mga bagay na madaling abutin at makuha kung may sapat na determinasyon at pananalig sa Diyos.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


