God is good all the time !!!

Home » Post Item » Thank you for the Blessings

Thank you for the Blessings

November 23, 2009

Marami tayong bagay na dapat ipagpasalamat sa araw- araw… Mula sa simpleng pag gising natin ..hanggang sa matulog uli tayo sa gabi ay 2 pa lang sa mga dahilan ng ating pasasalamat sa ating Diyos.

Thank you for the blessing of good health and a happy family. Isama na nating ang isang damakmak na mga kaibigan na full support sa’yo at laging nasa tabi mo lang.

Salamat po Lord dahil naipasa ng Daddy ko ang kanyang physical and medical exam. Bukod sa healthy na siya ay may work siya na maganda and sahod…yehey….Nawa’y tuloy tuloy ang mga magagandang biyaya na pwedeng i share sa iba.

Salamat dahil alam ko po na sa lahat ng ginagawa ko, kasama ko kayo at lagi niyo kong ginagabayan sa pang araw araw kong buhay…. Kampante ako na nagagawa ko araw- araw ang mga inaasahan niyo sa akin.

Salamat po sa pagmamahal niyo at higit sa lahat…salamat po, dahil sa inyo natuto kaming magmahal.

Posted by lifeslessons at 9:41 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.