Learning To Be Considerate
December 16, 2009When was the last time that you think of others before thinking about yourself? Kasi kung tutuusin lahat ng ginagawa natin ay suguradong makakaapekto sa iba. Hindi kasi umiikot ang mundo dahil sayo o sa akin lamang, kaya bawat gawin natin ay magkakaroon ng epekto sa iba.
Kung lahat ng tao ay may malasakit para iba, magiging masaya ang mundo natin. Konti lang sana ang umiiyak, nasasaktan at nakaka wawang tao. Mas madami sana ang masaya at magaan sana halos lahat ng bagay. Hindi ko sinasabi na magiging perpekto ang lahat, ang ibig ko lang sabihin ay mas magiging magaan at masaya ang buhay para sa karamihan.
Sana matuto ang lahat na magkaroon ng malasakit para sa kapwa at hindi lang isipin kung ano ang makakabuti para sa sarili nila.


