Art of Listening
December 28, 2009Listening is definitely one thing na dapat matutunan ng mga tao. Bata, matanda, mayaman man o mahirap ay dapat matutong makinig. Hindi lang sa mga salitang lumalabas sa bibig kundi yung mga sinsabi ng bawat kilos at galaw ng mga tao sa ating paligid.
Hindi lang ang ating sarili ang dapat nating pakingga, pati ang mga taong nakapaligid sa atin ay may mga bagay na gustong sabihin. Sana maglaan tayo ng oras upang makinig, hindi lang gamit ang tenga lalung-lalo na gamit ang ating mga puso. Kailangan buksan natin pati ang ating isipan para makuha natin ang tamang ibig sabihin ng mga bagay- bagay.
Ito ang mga ilang bagay na pwedeng makatulong kung papano tayo makikinig:
A. Wag masyandong himayin ang mga bagay- bagay dahil hindi lahat ito ay may ibig sabihin.
B. Hindi pwedeng lagi ka na lang tagapagsalita, kailan marunong ka ding makinig sa sasabihin ng iba.
C. Pwede mong salain ang mga bagay na nadidinig mo, hindi naman lahat ay dapat mong pakinggan. Minsan dapat alam mo kung ano dapat dun ang talagang dapat mong pakinggan.
D. Matutong makiramdam sa mga sinasabi ng kilos, galaw at gawa ng iba; meron itong ipinapahiwatig.
E. The art of listening uses the ears, heart and mind.


