God is good all the time !!!

Home » Archives » January 2010

There is no pillow so soft as a clear conscience -French Proverb-

January 20, 2010

Ang galing ng saying na ‘to. Ang sarap kaing matulog kapag alam mo na wala kang inagrabyadong tao,inapi o kaya naman hindi naging maganda ang kalagayan dahil sayo.

Masarap sa buhay yung wala kang iniisip na nakakagulo sa kunsensiya mo o  nagpapakaba sa damdamin mo. Mahimbing na mahimbing ang tulog ng mga tao na may malinis na kunsensya lalo na kung alam mo at the end of the day either may natulungan ka o may mga tao kang napasaya.

Sabi nga nila ang “konsensya” ay ang boses ng Diyos na nagsasabi sa atin kung tama ba o mali ang ating gagawin o mga bagay na ginawa na natin. Ito ang nagbibigay ng gabay sa atin sa mga gawain natin sa ating mga buhay. Thank you Lord for giving us conscience, since we are only human and we need guidance in everthing that we do.

May mga tao din naman na hindi nakikinig sa mga konsensya nila. Mas pinili pa nila ang magulong buhay kesa sa buhay na puno ng katahimikan.

Bro, tulungan mo po kami piliin ang buhay na nais mo para sa amin. Ang buhay ng katahimikan at paglilingkod sayo.

Posted by lifeslessons at 10:56 pm | permalink | View this entry

Anong Feeling? Kakaiba

January 7, 2010

Hindi ko ma describe ang feeling ko ngayon. Sobrang para akong nasa ibang dimension na nakakamanhid, kakaiba talaga.

Madaming nagtatanong sakin kung hindi pa ba daw ako sanay pag nag- aabroad si Dean, isa lang ang sagot ako. I need to go through the same pain pag alam ko na mag aabroad na siya. Mixed emotions na naman ang nararamdaman ko. Thankful ako kasi may work na naman siya pero at the same time nalulungkot kasi matagal ko na namang hindi makakasama. 

Buti na lang na may mga tao na andyan for me, laging nakaalalay everytime na ganito ang situation. My friends, family and relatives to make me smile everytime na parang naiiyak na naman ako. 

My only weapon tuwing pinagdadaanan ko ito is PRAYER. I talk to God and ask for his guidance.  I talk to my bestfriend and to the God who knows how to make me feel ok again.

I ask for blessings and his work abroad is a BLESSING. All I can say is that my God is the only one who understands what I am going through everyday until the day he comes back again.

Father, please be with Dean and I in this journey. I know that you will never leave our side and guide us to what you think is beautiful and nice. Its really hard but you are always making it easy for us. Thank you for the never ending love and guidance. You make this possible and you make things worth the wait.

Posted by lifeslessons at 7:21 pm | permalink | View this entry