God is good all the time !!!

Home » Archives » 20. January 2010

There is no pillow so soft as a clear conscience -French Proverb-

January 20, 2010

Ang galing ng saying na ‘to. Ang sarap kaing matulog kapag alam mo na wala kang inagrabyadong tao,inapi o kaya naman hindi naging maganda ang kalagayan dahil sayo.

Masarap sa buhay yung wala kang iniisip na nakakagulo sa kunsensiya mo o  nagpapakaba sa damdamin mo. Mahimbing na mahimbing ang tulog ng mga tao na may malinis na kunsensya lalo na kung alam mo at the end of the day either may natulungan ka o may mga tao kang napasaya.

Sabi nga nila ang “konsensya” ay ang boses ng Diyos na nagsasabi sa atin kung tama ba o mali ang ating gagawin o mga bagay na ginawa na natin. Ito ang nagbibigay ng gabay sa atin sa mga gawain natin sa ating mga buhay. Thank you Lord for giving us conscience, since we are only human and we need guidance in everthing that we do.

May mga tao din naman na hindi nakikinig sa mga konsensya nila. Mas pinili pa nila ang magulong buhay kesa sa buhay na puno ng katahimikan.

Bro, tulungan mo po kami piliin ang buhay na nais mo para sa amin. Ang buhay ng katahimikan at paglilingkod sayo.

Posted by lifeslessons at 10:56 pm | permalink | View this entry