God is good all the time !!!

Home » Archives » 18. February 2010

God’s Messages- In the silence of our hearts, we will hear his message to us.

February 18, 2010

In our everyday life, we tend to ask ourselves what is the meaning of all of this? Anong gustong sabihin ni God sa atin? Sa lahat ng nangyayari sa buhay natin, madami tayong lessons na matututunan which will help us grow more and become the person God wants us to be. Kaso in the process of learning, feeling ko dadaan ka sa isang obstacle course na bawat hintuan mo eh may mapupulot ka which will either make you proceed with the game or just have it as GAME OVER (wag naman di ba?) Go lang tayo ng Go.. Hindi naman tayo ilalagay ng Diyos sa isang sitwasyon na sa tingin niya na hindi natin kaya. He knows us more than we know ourselves. Alam niya ang kakayanan at hangganan ng bawat isa sa atin. He believes in each one of us, we must also learn to believe in ourselvess.

Minsan may mga dadaanan tayo na mahirap na pagsubok, meron naman tamang level lang, meron kakaloka at meron ding parang malaki pero kung tutuusin tayo lang pala ang nagpapalaki. Sa mga bagay na yan, andiyan lang ang Diyos sa tabi natin. Tinitingnan kung paano tayo mag rreact o kaya ay paano natin dadalhin ang mga pagsubok na yon. Binigyan niya tayo ng mga kinakailangan natin para malampasan yung mga pagsubok, hindi rin niya tayo iiwan habang nagiging matapang tayong harapin ang lahat ng ito at higit sa lahat andyan lang siya sa tabi ng bawat isa sa atin na gumagabay sa bawat decision na gagawin natin.

Sa katahimikan ng ating mga puso, matuto tayong makinig sa mensahe ng Diyos sa atin. God loves us so much, we just have to remember that.

Posted by lifeslessons at 7:38 pm | permalink | comments[5]